Distansya

Distance doesn’t matter if you really love the person, what matters most is your honesty and trust for that relationship to work out. :) Sa mga katagang ito lumakas ang aking loob sapagkat nararanasan ko ngayon ito. Ngunit hindi ko masabi kung hanggang kailan kami ganto? mahirap na masaya, tanging komunikasyon lamang sa telepono ang nagiging tulay namin upang makapag-usap, mahirap sa sitwasyong gusto mo siyang mayakap, mahawakan ang kanyang mga kamay, at kung anu pa. masaya kasi nawawala lahat ng pagod mo kapag naririnig ko na ang kanyang boses, lalong umaapaw ang kasiyahan ko kapag nagkakatawuan kami at nagbibiroan. at sa bawat araw nang aming pag-uusap lagi kong natatanong sa sarili ko hanggang kailan kami ganito?